AFP: Buong Marawi City kontrolado na ng militar

By Den Macaranas May 29, 2017 - 03:49 PM

Inquirer photo

Inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na “in full control” na ang militar sa kabuuan ng Marawi City.

Ipinaliwanag ni AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na lahat ng mga pumapasok at lumalabas sa lungsod ay kanilang nasasala ng maayos.

Pero inamin ng opisyal na may ilang mga pamamaril pa rin ang nairereport sa ilang mga Barangay na mabilis namang narerespondehan ng mga tauhan ng AFP at Philippine National Police.

Tiniyak rin ng opisyal na hindi na magtatagal at matatapos na rin ang kanilang clearing operations sa lahat ng sulok ng lungsod.

Sa pinakahuling tala ng militar ay umaabot sa labingsiyam ang bilang ng mga napatay ng Maute at Abu Saayaf Group na mga sibilyan.

Umaabot naman sa 61 ang patay sa hanay ng mga terorista, 15 ang mga sundalo at dalawa sa hanay ng PNP.

Umaabot naman sa 61 ang sugatan sa hanay ng mga tauhan ng pamahalaan.

Sa kanyang pahayag naman kanina ay sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na umaabot sa halos ay 60,000 katao ang nailikas mula sa Marawi City tungo sa mga kalapit na lugar.

Umaabot naman sa P1.1 Billion na halaga ng relief goods ang inilaan ng pamahalaan para sa mga direktang naapektuhan ng kaguluhan.

Sa ulat naman ng Lanao Del Sur Electric Cooperative ay kanilang sinabi na 100-porsiento nang naibalik ang serbisyo ngh kuryente sa kabuuan ng lalawigan maliban na lamang sa ilang Barangay sa loob ng Marawi City.

TAGS: AFP, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao, Padilla, AFP, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao, Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.