LTFRB tutulong na rin sa pagmonitor sa galaw ng mga terorista sa Mindanao

By Jan Escosio May 29, 2017 - 03:18 PM

Inquirer file photo

Nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (PTFRB) ng memorandum sa lahat ng kanilang regional directors kaugnay sa sitwasyon sa Mindanao.

Ipinapaalala sa naturang memo na sa pagsasagawa ng inspections sa mga public utility vehicles sa mga checkpoints na maging mabusisi sa pagsusuri sa mga dokumento ng mga sasakyan.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, dapat tanungin ang mga driver kung saan sila papunta at kung saan sila nanggaling.

Binanggit din ni Lizada na sa ngayon ay naka lockdown na ang buong Lanao del Sur at limitado ang biyahe ng lahat ng mga sasakyan base na rin sa utos ng security forces sa Mindanao.

Ipinaalala rin ng opisyal sa kanilang mga regional directors na ang isantabi muna ang lahat ng public announcements ukol sa inter-regional routes na hindi ipinalabas ng central office ng LTFRB.

TAGS: ltfrb, Marawi City, Martial Law, Maute Group, Mindanao, ltfrb, Marawi City, Martial Law, Maute Group, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.