CPP bumuwelta sa gobyerno sa naudlot na peace talk

By Den Macaranas May 29, 2017 - 03:06 PM

Nanawagan ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines na magkaisa ang mga Pinoy at ang mga Moro organizations sa Mindanao laban sa martial law sa rehiyon.

Sa kanilang inilabas na pahayag, sinabi ng Communists Party of the Philippines (CPP) na ang pamahalaan at hindi sila ang dapat na sisihin sa pagkakabalam ng 5th round ng peace talks sa The Netherlands.

Ipinaliwanag ng CPP-NPA na ang patuloy na pagigiit ng negotiating ng pamahalaang Duterte ng bilateral ceasefire sa magkabilang panig ay hindi katanggap-tanggap para sa rebeldeng grupo.

Hindi rin nila nagustuhan ang sinabi ng gobyerno na dapat muna nilang ibaba ang kanilang mga armas bago muling simulan ang peace talk.

Ipinaliwanag rin ng komunistang grupo na nandyan pa rin ang banta ng pagpapatupad ng martial law sa buong bansa.

May kaugnayan umano ito sa biglaang pagdami ng mga sundalo at pulisya sa mga lalasigan sa Bicol region, Nother Luzon, Panay Island, Central Visayas, Negros Provinces at pati na sa Metro Manila.

Sinabi rin ng CPP-NPA sa kanilang inilabas na advisory na ginagawa lamang silang masama sa mata ng publiko dahil sa mga naunang pronouncement ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kaugnay sa mga pag-atake ng NPA sa ma vital installations ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ng grupo na ipinagtatatanggol lamang nila ang kanilang hanay at ang suspensyon ng peace talk ay maituturing na counter productive dahil hadalang ito sa pagsusulong ng magkabilang panig ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

TAGS: CPP, dureza, duterte, lorenzana, NDF, NPA, Peace Talk, CPP, dureza, duterte, lorenzana, NDF, NPA, Peace Talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.