Duterte, handang makinig sa Korte Suprema at Kongreso sa usapin ng Martial Law

By Mariel Cruz May 29, 2017 - 01:03 PM

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na makinig sa Korte Suprema at Kongreso, pero ipauubaya niya sa militar at pulis ang desisyon kung papalawigin o aalisin na ang ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao.

Ito ang nilinaw ng Malacañang sa kabila ng mga natatanggap na kritiko ng pagdedeklara ng pangulo ng Batas Militar sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, papakinggan ng pangulo ang Supreme Court at Kongreso, pero bilang Commander in Chief, karapatan nito na gumawa ng mga desisyon.

Tiniyak ni Abella na bukas si Pangulong Duterte sa pakikinig.

Wala aniyang intensyon ang pangulo na i-bypass ang Mataas na Hukuman o ang legislatura.

Dagdag ni Abella, ang ibig sabihin lamang ng naging pahayag ni Pangulong Duterte noong nakaraang Sabado ay ang totoong may kaalaman sa sitwasyon sa Marawi City ay ang militar at pulisya kaya’t sila ang kanyang pakikinggan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.