Mga sundalong sugatan na nagpapagaling sa ospital sa Iligan City, mahigpit na binabantayan
Pinaigting ang seguridad sa mga sundalong nasugatan sa pakikipagsagupa sa Maute terror na nagpapagaling ngayon sa isang ospital sa Iligan City, Lanao del Norte.
Batay sa ulat, sa 37 na sugatang sundalo na dinala sa Adventist Medical Center, labing anim lang dito ang nanatili sa ospital.
Bukod sa sariling security forces, pinalibutan din ng mga sundalo at pulis ang naturang ospital.
Samantala, isa sa mga sundalo na naka-confine sa intensive care unit ay pumanaw noong nakaraang Sabado.
Kasalukuyang nakaburol ang naturang sundalo at dalawang iba pa na napatay sa bakbakan sa isang punerarya sa Iligan City.
Bukod pa dito, nakaburol din sa parehong punerarya ang mga labi ng driver ng ambulansya na si Allan Descallar na namatay habang inililigtas ang ilang sibilyan na na-trap sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.