Marami sa mga miymbro ng Maute terror group na pumasok sa Marawi City ay halos mga teen-ager pa lamang o mga binatilyo.
Ito ang obserbasyon ng ilang mga residenteng tumakas mula sa naturang lungsod matapos na sumugod doon ang mga armadong grupo at magtangkang magtaguyod ng Islamic caliphate.
Ilan umano sa mga ito ay tinatayang umeedad lamang ng trese anyos, batay sa obserbasyon ng ilang mga residente.
Ang ilan naman ay naniniwalang hindi lalampas sa edad na bente anyos ang marami sa mga miyembro ng grupo.
Sa ilang pagkakataon, nasaksikhan pa umano ng mga residente ang kulitan ng mga ito kahit bitbit ang kanilang mahahabang armas.
Ang ilan naman ay kapansin-pansin na mistulang mga dayuhan dahil sa kanilang kulay ng kutis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.