Duterte, walang panahon makinig sa mga “misguided” na kritiko

By Kabie Aenlle May 29, 2017 - 04:28 AM

 

Walang panahon si Pangulong Rodrigo Duterte na makinig sa mga “misguided commentaries” ng kaniyang mga kritiko tungkol sa deklarasyon niya ng martial law sa Mindanao.

Ito ang naging tugon ng Malacañang sa mga kaliwa’t kanang pagbatikos ng mga kritiko sa kaniyang naging solusyon sa terorismo sa rehiyon, partikular na sa nagaganap na gulo sa Marawi City.

Giit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ngayon ng pangulo ay ang pagresolba sa banta sa seguridad sa Mindanao, at hindi ang pagpansin sa kaniyang mga kritiko.

Dagdag pa ni Abella, pursigido ang pangulo na pagtagumpayan ang panunumbalik ng kapayapaan at kaayusan upang makasabay sa pag-unlad ang buong Mindanao.

Ngayong araw ng Lunes, nakatakdang bigyan ng mga defense at security officials ang mga senador tungkol sa deklarasyon ng pangulo.

Inaasahang ang magbibigay ng briefing ay sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Armed Forces of the Philippines chief Gen. Eduardo Año, at Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, maari ring magtanong ang mga senador tungkol sa mga detalye ng implementasyon ng martial law.

Aniya, inaasahan niya ring magiging produktibo ang nasabing briefing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub