Bagong oras ng curfew, ipatutupad sa Cotabato City

By Kabie Aenlle May 29, 2017 - 04:06 AM

Kasunod ng pagpapatupad ng Cotabato City ng “No ID, No Entry” policy, isinunod naman ng lungsod ang paglalabas ng mga pagbabago sa kanilang curfew guidelines.

Sa ilalim ng bagong panuntunan, kung dati ay mga menor de edad lamang ang bawal nang magpakalat-kalat sa lungsod pagdating ng 10:30 ng gabi hanggang 3:30 ng madaling araw, ngayon ay dapat na rin itong sundin ng mga nakatatanda.

Ayon kay Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi, ito ay isang kautusan na ibinigay sa kanila ng mas mga nakatataas na otoridad, kaya inabisuhan niya rin ang mga barangay captain na sumunod dito.

Ito’y alinsunod aniya sa guidelines ng martial law.

Samantala bukod naman sa bagong curfew, magpapatupad na rin ng rerouting dahil sa matinding trapiko na dulot ng mga checkpoints sa lungsod.

Para sa mga sasakyang magmumula sa north at papasok sa Cotabato City, kailangan nang dumaan sa Delta Bridge, at maari din itong daanan ng mga truck, bus at iba pang heavy equipment.

Wala naman nang papapasuking sasakyan sa Quirino Bridge dahil ipapagamit na lang ito sa mga outgoing na light vehicles.

Para naman sa mga magmumula sa south, dadaan sila sa Diversion Road simula sa MAGELCO area, at maari din itong daanan ng mga malalaking sasakyan.

Giit ni Sayadi, sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga checkpoints, nais pa rin nilang maging convenient ang publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.