IRR ng STL, kinatigan ng SC

By Jay Dones May 29, 2017 - 04:24 AM

 

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang lokal na gaming operator na kumukuwestyon sa legalidad ng operasyon ng Small Town Lottery o STL sa bansa.

Sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan na pinaboran ng Kataas-taasang Hukuman ang pagpapalawig ng operasyon ng STL.

Dinismis aniya ng Supreme Court ang petisyon ng Taal Balisong Gaming Corp. (TBGC) na kinukuwestyon ang legalidad ng Section 44 ng 2016 Implementing Rules and Regulations ng STL operations sa Pilipinas.

Gayunman, pinanindigan ng SC ang legalidad ng kinukuwestyong probisyon ng TBGC.

Umaasa ang PCSO na makakulekta ito ng P27 bilyong pisong kita mula sa pagpapalawig ng STL operations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub