Suplay ng pagkain, pangunahing problema ng mga residente sa Marawi City
Problema pa rin ang suplay ng pagkain ang mga residenteng naiwan sa Marawi City sa gitna ng opensiba ng militar kontra Maute terror group.
Gayunman, may ilan pa rin nanamantala ng sitwasyon sa kabila ng umiiral na price freeze sa Mindanao dulot ng martial law.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Maulana Macadato, sinabi niyang umabot na sa P6,000 ang kada sako ng bigas.
Hindi naman napilitang bumili ng bigas si Macadato dahil ilang sako ng bigas ang naiimbak nila, kasama ang ilan niyang kapit-bahay.
Kwento ni Macadato, umabot sa 200 ang kanyang mga kapit-bahay na nanuluyan sa kanila, ngunit nasa 70 na lamang ito ngayon makaraang lumikas mula sa kanilang barangay ang iba.
Aniya, “Sa awa ng Diyos po nakakaya ko pa pakainin mga evacuates sa akin. dried fish na tamban at itlog nga lang,” ani Macadato.
Sinabi ni Macadato na normal ang pa naman ang naging pag-aayuno nila ngayong Ramadan.
“Wala lang ung mga masasarap na food. Pero okay lang po kasi survival ang need namin,” pahayag pa ni Macadato.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mahigit 1,000 residente ng Marawi City ang hindi pa rin nakakalikas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.