Cong. Floirendo, hinikayat ang mga kapwa-kongresista sa makiisa sa aksyon ni Pang. Duterte vs terorismo

Floirendo, Antonio Jr. R.Hinikayat ni Davao Representative Antonio Floirendo ang ibang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na suportahan ang paglaban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Maute terror group.

Sa isang pahayag, sinabi ni Floirendo na aprubado siya sa desisyon ng Punong Ehekutibo na itaas ang batas militar sa Mindanao upang matigil na ang rebelyon sa rehiyon.

Bilang isang Mindanaoan, naniniwala aniya siyang magdudulot ng kapayapaan sa rehiyon ang pamumuno ni Duterte.

Dapat rin aniyang makiisa sa pakikipagbakbakan ng mga tropa ng militar at pulis sa militanteng grupo.

Read more...