Galit ng mga Pinoy na nasa abroad sa pagbubukas ng mga balikbayan box, idinaan din sa video

August 25, 2015 - 03:37 PM

 

Mula sa FB

Mula sa pagtukoy sa mga opisyal at kawani ng BOC bilang mga buwaya at mangungupit sa mga ‘meme’ na lumulutang sa internet at mga social media sites, todo pang-aalaska rin ang mga Pinoy sa mga kawani ng  BOC sa kanilang ina-upload na mga video.

Ilan sa mga ito ay ang pagpapakita ng mga Pinoy na nag-eempake ng mga balikbayan box habang nagbibitiw ng mga maanghang na salita sa mga magbubukas ng kanyang ipapadala sa kanyang mga kamag-anak.

Ilan naman ay ang panlalait sa mga customs personnel na magbubukas ng kanyang balikbayan box sa pamamagitan ng pagpapadala ng toothpick na gamit para umano pakinabangan ng mga magbubukas nito.

https://www.facebook.com/100009148195357/videos/vob.100009148195357/1483695635278695/?type=2&theater

Matatandaang dakong alas dos ng hapon kahapon, sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Cebu, nanawagan ang Pangulong Aquino na pahintulutan ng  publiko ang BOC na gawin ang kanilang tungkulin sa isyu ng pag-iinspeksyon ng mga balikbayan boxes.

Gayunman, pasado alas singko rin ng hapon kahapon, matapos makipagpulong kina Finance Secretary Cesar Purisima at Customs Commissioner Bert Lina, kumambyo ang Pangulo at sinabing kanya nang pinatitigil ang planong ito ng BOC.

Narito ang ilan pa sa mga video na in-upload ng mga galit na galit na mga Pilipino  na nasa ibayong dagat:

 

https://www.youtube.com/watch?v=pms9E9dSpJI

https://www.youtube.com/watch?v=CnxJZkx2zbI

https://www.youtube.com/watch?v=HnzOPmczG2I

Marami pang mga video at ‘meme’ ang kumalat sa mga social media sites dahil sa naunsyaming plano ng BOC./ Jay Dones

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.