Mahigit 42,000 katao ang nailikas sa nagpapatuloy na military operations laban sa Maute terror group sa Marawi City.
Batay sa ulat, sinabi ng ARMM Crisis Management Committee na aabot sa kabuuang 42,142 katao ang nailigtas hanggang alas singko ng hapon, Araw ng Sabado.
Kasama sa naturang bilang ang 30,602 katao o 6,299 pamilyang namamalagi sa evacuation center at 11,540 na nanatili sa kanilang bahay.
Ayon sa naturang komite, aabot sa 2,279 katao naman ang nananatiling stranded sa dalawampu’t limang nayon sa Marawi City.
Hindi pa naman matukoy ang bilang ng miyembro ng militanteng grupo sa lungsod.
Sa ngayon, patuloy ang pinaigitng na seguridad sa Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.