Mahigit na seguridad, ipinatupad na rin sa Iligan City
Kung mahigpit ang seguridad papasok ng Marawi City ay gayundin naman ang palabas ng lungsod lalo na ang patungo sa Iligan City.
Mahaba ang pila ng mga sasakyan sa checkpoint na ipinatutupad ng 4th Mechanized Infantry Batallion ng Philippine Army at Philippine National Police sa National Highway ng Brgy.Suarez, Iligan City.
Isa-isang neririkisa ang mga dumadaan na mga sasakyan, pati na ang mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon ay pinababa para siyasatin ang kanilang dala-dala. Ang mga lalaki kinakapkapan.
Kailangan nilang dumaan sa security protocol para maiwasan ang posibleng pagpuslit sa mga karatig na lugar ng Isis inspired Maute terror group.
Kapansin-pansin din ang karatula na iligay ng mga otoridad sa checkpoint kung saan nakapaskil ang litrato ng mga miyembro ng Maute.
Una nang umapela sa taumbayan si AFP Western Mindanao Comnander, Major General Carlito Galvez, na unawain ang sitwasyon sa lugar at makiisa sa seguridad na ipinatutupad ng law enforcers para sa kapakanan ng mas makararami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.