Limang preso, nakatakas sa isang kulungan sa Oriental Mindoro
Nagawang makatakas ng limang preso sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Barangay Malinao, Naujan sa Oriental Mindoro.
Nadiskubre ni SJO1 Bernardo Baldesco, ang naka-duty sa Naujan BJMP, ang naturang pagtakas matapos mapansin na wala nang kandado ang Cell 1 at nasira na ang rehas ng Cell 2.
Kinilala ang mga pugante na sina Remegio Orfrecio, may kasong Violence against Women and Children; Toribio Mercado na may kasong rape; Ananias Dalisay at Marvin Montemayor na parehong may kasong illegal drugs; at Marlon Genabe na may kasong theft.
Ngayon ay nagsasagawa na ng pursuit operations laban sa mga presong nakatakas.
Nagbigay na din ng alarma ang BJMP sa lahat ng police station sa lalawigan para matugis ang mga pugante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.