Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Caloocan City

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa BMBA Compound, Port Avenue, Brgy. 118, Caloocan City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon, at may hawak pang sigarilyo.

Ayon kay Herbert Basillo, Deputy Brgy. XO, nasa kalapit na barangay hall siya nang magising dahil sa narinig na sunud-sunod na putok ng baril.

Hindi umano bababa sa anim hanggang limang putok ang kanyang narinig, na akala niya ay galing sa 3rd Avenue kung saan talamak ang bentahan ng droga.

Nakuha sa loob ng bag ng biktima ang isang hindi pa malamang kalibre ng baril, mga bala, at hinihinalang mga dahon ng pinatuyong marijuana.

Ayon kay Basillo, posibleng mula sa 3rd Avenue ang biktima at doon nagbebenta ng droga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Caloocan City Police sa nasabing insidente ng pamamaril.

Read more...