Ayon sa Punong Ehekutibo, maaaring mag-aresto ang mga awtoridad nang walang arrest warrant at maghalughog ng mga bahay sa ilalabas na Arrest Search and Seizure Order (ASSO) na pirmado ni Armed Forces chief General Eduardo Año.
Sa pahayag ng CHR, ipinagbabawal ang naging kautusan ng pangulo sa 1987 Constitution.
Mayroon anilang legislatura at sinusunod na protocol kaugnay nito upang masigurong hindi na mauulit ang umano’y pang-aabuso noong martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Dagdag pa nito, nakapaloob sa ilalim ng Section 5, Rule 113 ng Rules of Court na hindi maaaring humuli o dumakip nang walang arrest warrant kahit nasa ilalim ng batas militar ang isang bansa.
Maaari lang anilang gawin ito kung nasaksihan mismo ng awtoridad ang krimen at kung isang takas na bilanggo batay sa Rules on Criminal Procedure.
Samantala, pinaalalahanan ng komisyon ang mga pulis at militar na gawing prayoridad ang kaligtasan at karapatan ng mga sibilyan.