Maute, planong maglagay ng bandila ng ISIS sa kapitolyo ng Lanao Del Sur sa Marawi City
Pangunahing layunin ng Maute group ang makapaglagay ng bandila ng ISIS sa kapitolyo ng Lanao Del Sur sa Marawi City ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Commanding General of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (Wesmincom).
Aniya ang paglalagay ng bandila ng ISIS na lang ang kulang para makapagdeklara ng “wilayat” o provincial territory ng ISIS.
Dagdag pa ni Galvez, ito ay para magkaroon sila ng suporta mula sa Syria.
Patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations sa lungsod ng Marawi.
Dahil sa naturang pag-atake, ito ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang buong Minadano sa ilalim ng batas militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.