Walang sibilyan na nadamay sa air strikes ayon sa AFP
Walang sibilyan ang nadamay sa isinagawang air strike na kung saan target ang mga miyembro ng teroristang grupo na Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., Commander ng AFP Western Mindanao Command ay nwalang naiulat na namatay sa inilunsad na air strike.
Aniya lahat ng air strike ng pamahalaan ay matinding inoobserbahan.
Isinagawa ng gobyerno ang mga naturang air strikes para mahinto ang mga terorista sa panggugulo nito na maaring magdulot ng mas mataas na bilang ng patay.
Matatandaang nagsimula noong Martes ang bakbakan matapos subukan ng pwersa ng pamahalaan na arestuhin si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Kaugnay nito, isinailalim ang buong Mindanao sa Martial Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.