Kwestyonable ang sinseridad ng CPP-NPA-NDFP sa peace process – Abella

By Rohanisa Abbas May 28, 2017 - 01:07 AM

GRP-CPPKinwestyon ng Malacañang sinseridad ng Communist-Party of the Philippines-New people’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) sa kapayapaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inabandona ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan kasama ang komunistang grupo dahil sa pinakahuling anunsyo ng CPP na paiigtingin niyo ang pag-atake kontra gobyerno dahil sa deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Pahayag ni Abella, “The Duterte administration would rather pursue the path of genuine dialogue to build a nation worthy of its citizens.”

Noong Biyernes, sinabi ni NDFP chief political consultant Jose Maria Sison na inirekomenda nito sa National Executive Committee ng partido na paigting ang opensiba ng NPA bilang tugon sa pahayag ni Defense Secretary Defin Lorenzana na NPA ang target ng Martial Law.

Nilinaw naman ni Lorenzana na hindi NPA ang target ng Martial Law, ngunit nagbabala ito sa grupo na huwag nang palalain pa ang gulo sa Mindanao.

Isinailalim ni Duterte ang Martial Law sa Mindanao makaraang lusubin ng Maute terror group ang Marawi City.

Nakatada sana ngayong araw ang ikalimang round peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDFP sa Noordwijk sa The Netherlands.

TAGS: CPP-NPA-NDFP, Ernesto Abella, Malacañang, Martial Law, peace talks, Rodrigo Duterte, CPP-NPA-NDFP, Ernesto Abella, Malacañang, Martial Law, peace talks, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.