Panibagong oil price hike, asahan sa susunod na linggo
Muling magkakaroon ng pagtaas sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella na maglalaro ang presyo ng gasolina ng P0.60 kada litro.
Habang ang diesel naman ay maglalaro sa P0.90 kada litro at ang kerosene sa P0.95 kada litro.
Binigyang diin ni Fuentabella na maari pang magbago ang price adjustments kapag natapos na ang buong linggong trade assesment.
Base sa datos ng DOE ay nagpapakita na ang presyo ng diesel ay mula P26.70 hanggang P31.91 kada litro at sa gasolina ay P37.65 hanggang P49.80 kada litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.