Isang eroplano ang bumagsak malapit sa Mount Everest ayon sa mga opisyal sa Nepal.
Sugatan ang tatlong katao na lulan ng nasabing eroplano.
Dalawa dito ay piloto habang ang isa naman ay isang air hostess at lahat ay pawang mga Nepali nationals.
Ayon kay Government Administrator Umesh Pandey, tumama ang eroplano sa isang bundok, mga 20 meters sa ibaba ng runaway ng Tenzing Hillary Airport sa Lukla, ang gateway papuntang Mount Everest.
Dagdag pa ni Pandey, na dinala na sa lokal na ospital ang mga nasabing biktima ngunit nasa kritikal na kondisyon ang piloto.
Nahihirapan na madala ang ng helicopter ang mga biktima sa Kathmandu, ang kabisera ng Nepal dahil sa masamang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.