Martial law sa Mindanao walang epekto sa ekonomiya ayon sa NEDA
Tiwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary General Ernesto Pernia na mananatili ang mga suporta sa mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para maibalik ang kapayapaan sa Mindanao.
Ito ay sa gitna ng umiiral na martial law sa rehiyon at patuloy na bakbakan sa Marawi City sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng Maute terror group.
Sinabi ni Pernia na ang pagkamit sa kapayapaan, seguridad at kaayusan ang nagsisilbing pundasyon ng Philippine Development Plan 2017-2022.
Iginiit ni Pernia na hindi mapangangalagaan ang paglago ng ekonomiya kung walang kapayapaan.
Ayon sa kalihim, malaki ang magiging epekto ng mga pangyayari sa Mindanao sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Pernia na makaki ang potensyal ng rehiyon sa paglago ng ekomnomiya, partikular na sa agrikultura at kalakalan.
Naniniwala naman si Pernia na maiibsan ng pagbabantay ng pwersa ng gobyerno, partikular sa Mindanao, ang tensyon sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.