FVR binatikos sa pakikialam sa martial law sa Mindanao
Pinatatahimik ni Sen. JV Ejercito si dating Pangulong Fidel Ramos kaugnay sa martial law sa Mindanao.
Ito ay makaraang batikusin ni Ramos si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagdedeklara ng batas militar sa rehiyon.
Sinabi ni Ejercito na mas lalong lumala ang insurgency problem sa Mindanao dahil kay Ramos.
Hinayaan umano ng dating lider na makapagpalakas ng pwersa ang Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na siyang dahilan rin kung bakit dumami ang mga armed groups sa rehiyon.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Ping Lacson na dapat hayaan na lang muna ang diskarte ng pangulo sa kung paano tatapusin ang problema ngayon sa Mindanao partikular na sa Marawi City.
Ipinaliwanag ni Lacson na alam ng pamahalaan ang mga gagawin para maibalik ang katahimikan sa nasabing mga lugar.
Nauna dito ay sinabi ni Ramos na mali ang pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao dahil nasa loob lamang ng Marawi City ang gulo.
Sinabi rin ni Ramos na dapat tutukan ni Duterte ang mga kaso ng human rights violations dahil kahit hindi pa ito nagdedeklara ng batas militar ay mataas na ang record ng kanyang administrasyon sa paglabag sa karapatang pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.