Duterte handang kausapin ang mga terorista ngayong panahon ng Ramadan
Mapayapang dayalogo ang inaalok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga teroristang grupo na ngayon ay naghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kaisa ang Malacañang sa mga Filipino-Muslim sa pananalangin na tuluyan nang matuldukan ang terorismo sa bansa lalo’t ginugunita ngayon ang panahon ng Ramadan.
Ayon kay Abella, umaasa ang Palasyo na maiiwasan na ang pagdanak ng dugo sa panahon ng pananalangin o prayer, fasting at mercy ng mga Pinoy na Muslim.
Patuloy aniya ang panalangin ng Malacañang na agad na maibabalik ang kapayapaan sa Midanao region.
Samabtala, pasado alas-dos mamayang hapon ay magtutungo ang pangulo sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu kung saan dinala ang mga sugatang sundalo kaugnay sa gulo sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.