Ang nasabing mga larawana ng ipinakakalat ngayon hindi lamang sa Marawi City kundi sa mga kalapit na lugar tulad ng Iligan City at Cagayan de Oro City.
Nauna nang sinabi ni CSupt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP na kanilang hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagrereport kapag may sightings sila ng mga armadong grupo partikular na sa Marawi City.
Kasama sa larawan ang 48 Maute terror group members na nauna na ring kinilala ng mga intelligence units ng pamahalaan.
Ang mga may impormasyon kaugnay sa pinagtataguan ng mga armadong suspek ay pwedeng itawag o i-text sa mga cellphone numbers na 09176311813 at 09153033072 ng PNP Northern Mindanao Region.
Kahapon ay personal na kinausap ng pangulo ang ilang mga opisyal ng militar sa Iligan City kung saan ay kanyang inulit ang kanyang kautusan na tapusin ang problema sa Marawi City sa mas mabilis na panahon.