Maute group nanghiram lang ng tapang sa ISIS ayon sa AFP

By Den Macaranas May 27, 2017 - 09:12 AM

Marawi7
Inquirer file photo

Inirekomenda ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Eduardo Año na isama sa litahan ng mga international terrorists ang Maute group.

Sa kanyang pahayag inamin ng opisyal na totoong may ugnayan ang Maute group sa ISIS kaya dapat lang na isama na sila sa listahan ng mga terorista para mas mapadali ang pagdurog sa grupo.

Kaya umano lumakas ang loob ng Maute group ay dahil alam nilang suportado sila ng ISIS.

Kung tutuusin ay maliit lamang umano ang nasabing grupo pero dahil sa pagsanib nito sa Abu Sayyaf Group ay nadoble ang kanilang bilang maliban pa sa mga sumaling miyembro mula pa sa ibang armed groups sa Mindanao.

Inihayag rin ni Año na sangkot sa illegal drug trade ang Maute dahil meron umano silang kontroladong shabu laboratory sa mismong loob ng kanilang mga kampo.

Si Año ay magugunitang itinilaga rin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang implementor ng martial law sa buong Mindanao region.

TAGS: AFP, año, isi, Martial Law, Maute, Mindanao, AFP, año, isi, Martial Law, Maute, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.