Rape joke ni Duterte binanatan ng Gabriela

DEADLINE. President Rodrigo R. Duterte announces during his visit at Camp Morgia in Doña Andrea, Asuncion, Davao del Norte on Friday, July 29, 2016 that the New People’s Army only has until 5:00 p.m. of July 30, Saturday to declare a ceasefire from their side. Otherwise, Duterte will lift the Unilateral Ceasefire he has declared during his first State of the Nation Address. RENE LUMAWAG/PPD
Inquirer photo

Hindi nagustuhan ng grupong Gabriela ang rape joke na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraan niyang bisitahin ang mga tauhan ng militar sa Iligan City kahapon.

Sinabi ng Gabriela na dapat mag-ingat ang pangulo sa kanyang pananalita dahil hindi magandang biro ang salitang “rape”.

Nauna dito ay sinabi ng pangulo na sasamahan niya sa kulungan ang mga sundalo kapag nakasuhan ang mga ito ng rape sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Imbes na mag-joke, sinabi ng Gabriela na dapat na itaas ng pangulo ang morale hindi lamang ng mga sundalo kundi ng mga tao sa Mindanao na ngayon ay nasa ilalim ng martial law.

Sa halip na magbiro tungkol sa rape, sinabi ng Gabriela na mas dapat tiyakin ng pangulo na hindi maaabuso ang karapatan ng mga kababaihan sa pagpapatupad ng gobyerno ng batas militar.

Read more...