Barangay Chairman na nasa drug watchlist, patay sa pamamaril sa Malate, Maynila

By Cyrille Cupino May 27, 2017 - 05:44 AM

Crime scene2Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Malate, Maynila.

Isinugod pa sa ospital ang biktimang si Angelito Sarmiento, kapitan ng Brgy. 751 Zone 81, pero binawian rin ng buhay.

Ayon kay Arellano PCP Commander Chief Insp. Paul Sabulao, naganap ang pamamaril pasado alas-diyes kagabi sa mismong bahay ng biktima.

Kwento ng ilang saksi, apat na armadong lalaki ang pumasok sa bahay ni Sarmiento.

Naroon rin umano ang misis ng biktima nang maganap ang pamamaril, pero hindi naman ito sinaktan ng mga suspek.

Matapos ang krimen, agad ring tumakas ang mga suspect sakay ng mga motorsiklo.

Ayon sa Manila Police District, kasama sa kanilang ‘watchlist’ ang suspect na una na rin umanong sumuko sa Oplan Tokhang noong Hunyo ng nakaraang taon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.