5 pulis-Malabon na sangkot sa pangingikil at kidnapping, sumuko na

By Kabie Aenlle May 27, 2017 - 05:33 AM

arrestSumuko na sa mga otoridad ang limang pulis na sangkot umano sa kidnapping at pangingikil sa Malabon City.

Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na suspek na sina PO3 Michael Angelo Solomon, PO3 Luis Hizon Jr., PO2 Michael Huerto, PO1 Ricky Lamsen at PO1 Jovito Roque.

Pawang mga nakatalaga ang mga ito sa Malabon City Police Station, na inireklamo ng kidnapping sa isang kasintahan ng inmate sa New Bilibid Prison.

Ayon sa ulat ng PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF), nanghingi umano ang mga suspek ng P2 milyon at isang kilo ng shabu kapalit ng kalayaan ng babae.

Ngunit bumaba ito sa P1 milyon nang pumayag ang mga suspek na makipagnegosasyon.

Tinangay pa umano ng mga suspek ang mga personal na gamit ng biktima tulad ng gadgets, alahas, pera at maging ang sasakyan nito.

Mahaharap ngayon sa mga kasong robbery, kidnapping, carnapping at may kinalaman sa pagtatanim ng iligal na droga.

Una nang nasukol ng mga pulis ang apat na iba pang suspek at nakasuhan sa Department of Justice, habang patuloy pa namang hinahanap ang dalawang iba pa na sina SPO2 Gerry dela Torre at PO3 Bernardino Pacoma.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.