AFP sa publiko: Mga abusadong sundalo, isumbong niyo

By Chona Yu May 27, 2017 - 05:29 AM

AFPHinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na isuplong sa kanilang hanay, kapag nakaranas ng mga pang-aabuso mula sa mga sundalong magpapatupad ng martial law sa Mindanao region.

Pagtitiyak ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, agad nilang iimbestigahan ang anumang reklamong ihahain laban sa sundalo, at titiyakin nilang mananagot ito sakali mang mapatunayang may sala.

Sinabi pa ni Padilla na walang dapat na ipangamba ang publiko sa idineklarang martial law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao region dahil walang ibang target ang batas militar kundi ang mga kalaban lamang ng estado.

Malaki aniya ang pagkakaiba ng martial law ngayon kaysa sa martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil bago na ngayon ang AFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.