Price freeze, ipinatupad na sa Mindanao

By Kabie Aenlle May 27, 2017 - 05:27 AM

fruitsNagpatupad na ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Mindanao kasunod ng pagdedeklara ng pangulo ng martial law.

Ginawa ito ng DTI alinsunod sa Price Act, kung saan nakasaad na kabilang ang pagsasailalim sa martial law ng isang lugar bilang basehan para pahintuin ang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon sa DTI, apektado ng price freeze ang mga lugar ng Zamboanga Peninsula, Northern at Southern Mindanao, Socckssargen at Caraga, pati na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kahit pa may sarili itong katumbas ng DTI.

Dagdag pa ng DTI, tatagal ng 60 araw ang price control sa mga pangunahing bilihin, at 15 araw naman para sa LPG at kerosene.

Kabilang sa mga itinuturing na pangunahing bilihin ay mga bigas, mais, tinapay, gulay at prutas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.