Ramadan, nagsimula nang walang putukan sa N. Cotabato

By Inquirer, Kabie Aenlle May 27, 2017 - 05:18 AM

ramadanNakapaninibago para sa isang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Kandong ang tahimik na pagsisimula ng Ramadan.

Isang linggo kasi bago magsimula ang Ramadan, nag-imbak na ng bala para sa kaniyang rifle ang 54-anyos na MNLF member.

Naging tradisyon na aniya nila ang pagsalubong sa Ramadan sa pamamagitan ng pagpapaputok ng baril, na dapat aniya ay nagsimula na noon pang Huwebes.

Aniya, natuloya ng kanduli o ang kainan noong Huwebes nang walang nagpapaputok kaya wala na ring nagpaputok hanggang kahapon.

Ayon pa kay Kandong, nagdesisyon siyang huwag na rin lang itong gawin dahil sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao, kaya baka lusubin sila ng mga sundalo kapag ginawa pa nila ito.

Gayundin ang dahilan ng miyembro naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Amir Tugas na kapitbahay lang ni Kandong.

Mas mabuti na aniyang ganito, para wala nang gulo.

Maging ang kalapit na lalawigan ng Maguindanao ay tahimik din.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub