Pangilinan, humihirit ng joint session para talakayin ang Martial Law at suspensiyon ng Writ of Habeas Corpus

By Ruel Perez May 26, 2017 - 09:43 PM

Kiko PangilinanDapat umanong magsagawa ng joint session ang mga mambabatas upang talakayin ang Martial Law at pagsuspendi sa Privilege of the Writ of Habeas Corpus sa Mindanao.

Ito ang apela ni Liberal Party President at Senador Francis Pangilinan sa mga kapwa niya mambabatas.

Hirit ni pangilinan, gawin ito sa close door o idaan sa executive session para hindi makompromiso ang patuloy na operasyon sa Marawi at ang kaligtasan ng mga sundalo doon.

Ani pangilinan, dapat malinawan kung sino talaga ang tutumbukin ng suspensiyon ng Privilege of the Writ of Habeas Corpus.

Pagdidiin pa ni Pangilinan, hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng ilang mambabatas na kailangan lamang nang joint session para i-revoke ang Martial Law na magbabalik sa karapatan ng mga mamamayan habang hinahayaang walang opisyal na talakayan sa pagsiil ng karapatan ng mamamayan.

TAGS: Francis Pangilinan, marawi, Martial Law, Mindanao, writ of habeas corpus, Francis Pangilinan, marawi, Martial Law, Mindanao, writ of habeas corpus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.