Pulitika, dapat umanong isantabi para sa kaligtasan ng mga taga-Marawi ayon Sen. Bam Aquino
Dapat umanong isantabi muna ang pulitika at unahin nang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng sibilyan sa Marawi City.
Ito ang panawagan ni Sen. Bam Aquino kasabay ng pagsuporta sa kampanya ng militar na sugpuin ang teroristang grupo at ibalik sa normal ang siyudad.
Giit ni Sen. Aquino, ang pinakamahalaga ngayon ay matigil na ang bakbakan, masugpo ang teroristang grupo at maprotektahan ang mga kababayan naiipit sa gulo sa Marawi.
Samantala, tikom naman ang bibig ng senador sa naglalabasang alegasyon sa social media kung saan ikinukunekta ang pagdalaw nito sa Marawi sa pag-atake ng Maute.
Noong nakaraang linggo, nagtungo si Sen. Bam sa Marawi City para buksan ang ika-508 Negosyo Center sa bansa na kauna-unahan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.