16 na sibilyan na-rescue ng AFP sa Marawi

By Chona Yu May 26, 2017 - 09:40 PM

marawi-city-map (1)Labing anim na sibiliyan ang na-rescue ng Armed Forces of the Philippines sa Brgy. Kilala, Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, naipit ang labing anim na sibilyan sa bakbakan sa pagitan ng miliar, pulis at Maute group sa Marawi.

Ayon kay Padilla, nabigyan na ng safety passage ang labing anim na sibilyan at nailabas na sa Barangay Kilala.

Kung wala aniyang matutuluyan ang labing anim na sibilyan, maari silang dalhin sa itinayong evacuation center ng pamahalaan.

Sa ngayon ayon kay Padilla, tuloy pa ang bakbakan sa Marawi.

TAGS: armed forces of the philippines, Marawi City, Maute Group, Restituto Padilla, armed forces of the philippines, Marawi City, Maute Group, Restituto Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.