AFP, magiging marahas sa pagpapatupad ng Martial Law sa mga gumagawa ng rebelyon

Marawi9Istrikto at marahas na ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines ang martial law sa Mindanao region para sa mga taong gumagawa ng rebelyon.

Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, hindi sila mag-aatubili na maging marahas sa mga kalaban ng estado.

Gayunman, agad na pinakalma ni Padilla ang publiko dahil magiging patas pa rin ang kanilang hanay sa pagpapatupad ng martial law.

Wala aniyang dapat na ipangamba ang publiko kung batid nilang hindi sila sila lumalabag sa batas ng bansa.

Read more...