Anim na foreign terrorists, kasama sa mga napatay sa Marawi
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na anim sa mga nasawi sa bakbakan sa Marawi ay mga international terrorists.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kabilang sa mga nasawi ang Malaysian, Singaporean, Indonesian at iba pa.
Patunay ito ayon kay Padilla na matagal nang may presensya sa bansa ang mga dayuhang terorista kung saan tinutulungan ang Maute group at iba pang local terrorist group.
Binibigyan aniya ng pagsasanay ng mga dayuhang terorista ang mga lokal na terrorista ng pagsasanay sa paggawa ng bomba at iba pang skills.
Sa ngayon aniya tuloy ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa mga bansang pinanggalingan ng mga dayuhang terorista at hinihimok na makipagtulungan para tuluyang matuldukan ang terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.