‘No ID, No entry’ policy, pinatutupad na sa Zamboanga City

By Rod Lagusad May 26, 2017 - 03:26 PM

Zamboanga CityIpinag-utos ng local government ng Zamboanga City ang pagpapatupad ng “No ID, No entry” policy bilang bahagi ng isinasagawang seguridad sa lungsod.

Inirekomenda ng Task Force Zamboanga kay Mayor Beng Climaco ang naturang kautusan ayon sa isang public advisory mula sa local government.

Ayon kay Colonel Leonen Nicolas, commander ng Task Force Zamboanga, na walang magbabago sa kanilang security procedures lalo na sa mga security checkpoints.

Asahan na rin ng publiko ang mas mahigpit na inspeksiyon.

Hinigpitan ang seguridad sa lungsod kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao noong Martes.

Kaugnay nito, suportado ni Climaco ang deklarasyon ng batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan wala pa namang curfew na ipinapatupad pero may ilang barangay na ang nag-iisip na magpatupad sa kanilang mga lugar.

TAGS: Beng Climaco, No entry" policy, No ID, Rodrigo Duterte, Task Force Zamboanga, Zamboanga City, Beng Climaco, No entry" policy, No ID, Rodrigo Duterte, Task Force Zamboanga, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.