Hataman, kinondena ang “acts of terror” na nagaganap sa Marawi City

By Rohanisa Abbas May 26, 2017 - 12:45 PM

gov.-mujiv-hatamanKinundena ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang aniya’y “acts of terror” na nagaganap ngayon sa Marawi City.

Sinabi ni Hataman na sinisira nito ang ‘diverse community’ ng Islamic City ng bansa na nagsisilbing tahanan ng mga taong mula sa iba’t ibang kasaysayan at paniniwala.

Giit ni Hataman, sinumang naghahasik ng terorismo na nagsasabing ginagawa ito sa ngalan ng Islam ay dapat na mahiya.

Tinawag din niyang halimaw ang sinumang nagsasabing may ipinaglalaban pero naghahasik ng karahasan ilang araw bago ang banal na buwan ng Ramadan.

Dagdag ni Hataman, walang salitang makakapagpahayag ng emosyon ng mga tagarehiyon sa gitna na ng takot at galit na kanilang nararamdaman.

Patuloy pa rin ang pagsagupa ng militar sa Maute terror group sa Marawi City mula nang salakayin nito ang lungsod noong Martes.

Ilang gusali na ang nasunog sa lugar, kabilang ang Dansalan College at Marawi City jail sa kasagsagan ng paglusob ng Maute sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.