Pagdedeklara ng martial law, matagal nang inisyatibo ng pangulo – Aguirre
By Kabie Aenlle May 26, 2017 - 10:30 AM
Pinabulaanan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na siya ang nanulsol kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Aguirre, inisyatibo na ito ng pangulo ilang buwan na ang nakalilipas.
Mariin ding itinanggi ng kalihim na nag-overreact lang ang pangulo nang magdeklara ito ng martial law.
Giit ni Aguirre, ginawa ito ni Duterte alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon, at para hindi magkawatak-watak ang sambayanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.