Hinimok ni government chief negotiator Sec. Silvestre Bello III ang Communist Party of the Philippines na bawiin ang aniya’y “senseless order” sa New People’s Army.
Una na kasing naglabas ng kautusan ang CPP sa NPA na mas paigtingin pa ang mga pag-atake sa Mindanao bilang pag-kondena sa martial law.
Ayon kay Bello, mali ang pagkakaintindi ng mga komunista sa deklarasyon ng pangulo.
Isa aniyang insulto ito sa “candor and genuineness” na ipinapakita ng pangulo sa peace talks ng pamahalaan at ng komunistang grupo.
Nagpapakita rin aniya ito ng kawalan ng sinseridad ng CPP sa negosasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.