US, kinondena ang kaguluhan sa Marawi

By Kabie Aenlle May 26, 2017 - 07:54 AM

trump-duterteKinondena ng Estados Unidos ang ginagawang panggugulo ng teroristang grupong Maute Group sa Marawi City.

Sa pahayag ng White House, nangako ito na patuloy silang magbibigay ng suporta at tulong sa Pilipinas para labanan ang terorismo.

Dagdag pa dito, ang U-S ay isang “proud ally” ng Pilipinas, at patuloy silang makikipagtulungan para masupil ang banta sa kapayapaan at seguridad sa bansa.

Una nang naglabas ang U-S ng paalala ng pag-iingat sa kanilang mga mamamayan na nandito sa bansa tungkol sa sitwasyon sa Marawi.

Inalerto nito ang kanilang mga kababayan sa Pilipinas na mag-ingat at umiwas sa matataong lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.