PNP itinangging pasimuno ang gobyerno sa Marawi siege

By Jay Dones May 26, 2017 - 04:31 AM

 

dionardo carlosMariing itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police na ang  gobyerno ang may pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City upang mabigyan ng pagkakataon si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law.

Giit ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, walang katotohanan ang mga naturang impormasyon na kumalat sa social media.

Wala aniyang mapapala ang pamahalaan kung gagawin ito.

Hamon pa ni Carlos sa mga nag-aakusa na kagagawan ng gobyerno ang Marawi siege ay maglabas ng ebidensya na makapagpapatunay dito.

Nanawagan naman si Carlos sa taumbayan na sa halip na magisip ng mga spekulasyon ay dapat nang magkaisa upang mailagay sa maayos ang sitwasyon sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.