Makabayan bloc, iniisip nang kumalas sa Duterte admin

By Erwin Aguilon May 26, 2017 - 04:26 AM

 

makabayanPinag-iisipan na ngayon ng Makabayan bloc sa Kamara sa kumalas bilang kaalyado ng Administrasyong Duterte.

Sa isang pulong balitaan sinabi ng mga kinatawan ng ACT Teachers, Kabataan, Gabriela, Anakpawis at Bayan Muna na dahil sa deklarasyon ng batas militar sa Mindanao, pinag aaralan nila na talikuran ang kanilang alyansa sa pangulo.

Iginiit ni Tinio na mahirap palagpasin ang hakbang ng pangulo dahil sa pagmamalabis na nito.

Ayon naman kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, aantabayanan na lamang nila ang magiging resulta ng fifth round ng peace talks ng gobyerno at CPP NPA NDF dahil magiging malaking isyu raw ang martial law sa Mindanao.

Nauna ng inihayag ng Makabayan Bloc na kukwestyunin nila sa Plenaryo ng Kamara ang batas militar sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.