NFA: May sapat na suplay ng bigas sa Marawi City

NFA riceTiniyak ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) na may sapat na supply ng bigas sa buong Marawi City.

Sa kasalukuyan ay mayroong stock na 38,000 sacks of rice ang NFA sa lungsod na sapat na sapat para sa residente doon sa susunod na limang araw.

Sinabi ni NFA Spokesperson Cynthia Suarez na tiniyak mismo ng kanilang pamunuan na hindi kakapusin sa pagkain ang lungsod sa kabila ng krisis na dinaranas nito dahil sa paglusob ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at Maute terror group.

Maging ang buong Mindanao region ay may sapat na buffer stock ng bigas naabot sa 1.5 Million sacks ayon pa rin sa NFA.

Nauna nang sinabi ng pangulo na inatasan niya ang mga ahensya ng gobyerno na tiyaking may sapat na pagkain sa rehiyon na ngayon ay nasa ilalim ng martial law.

Read more...