Mga estudyante na naipit sa bakbakan sa MSU ligtas na
Nailigtas na ang halos ay 600 mga mag-aaral ng Mindanao State University na na-trap sa loob ng unibersidad sa kasagsagan ng barilan sa pagitan ng militar at ng bandidong grupo.
Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, Spokesman ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na nagpadala ng mga sasakyana ng pamunuan ng MSU para sunduin ang mga mag-aaral sa loob ng unibersidad.
Ito ay makaraang matiyak ng militar na wala na sa paligid ng MSU ang pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf at Maute terror group.
Sinasabi sa ulat na nagtago sa ilang mga silid-aralan ang mga estudyante habang nagpapatuloy ang barilan sa pagitan ng militar at mga bandido kamakalawa hanggang kaninang umaga.
Samantala, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na nagdagdag na rin sila ng mga tauhan para magawa ng ilang linya ng kuryente sa Marawi City.
Sa tala ng militar ay umaabot na sa 21 ang patay sa naganap na bakbakan na kinabibilangan ng pitong mga sundalo at pulis, 13 mga bandido at isang sibilyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.