Wala nakikitang mali si Sen. Chiz Escudero sa pagsuspinde rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa writ of habeas corpus sa Mindanao kung saan umiiral ang batas militar.
Paliwanag ni Escudero, may sapat namang safeguards na itinatakda ang konstitusyon sa suspension ng privilege of the writ of habeas corpus at maging sa deklarasyon ng Martial Law.
Kaugnay nito, ayaw din bigyan ng kulay ni Escudero ang pahayag ni Pangulong Duterte na posibleng palawigin sa buong bansa ang idineklarang martial law sa buong Mindanao.
Sa tingin ni Escudero, binibigyang diin lang ni Pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan base sa itinatakda ng 1987 Constitution.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na magiging marahas ang kanyang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao para lipulin ang mga teroristang grupo.