Mga public hospital sa Mindanao nananatiling bukas ayon sa DOH

By Alvin Barcelona May 25, 2017 - 03:55 PM

Ubial-DOHTiniyak ng Department of Health na bukas na ang lahat ng mga pampublikong ospital sa Mindanao sa kabila ng gulo sa Marawi City para magbigay ng ayuda sa mga naiipit ng bakbakan.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, kumpiyansa sila sa kakayahan ng kanilang mga personnel lalo na sa pagtugon sa anumang uri ng emergency.

Kaugnay nito, sinabi ni Ubial na dahil sa umiiral na martial law sa Mindanao ay susundin nito ang mga probisyon ng Geneva convention partikular ang patungkol sa mga ospital at mga health personnel.

Dahil dito, ipinaalala ni Ubial sa lahat na igalang ang probisyon ng convention na nagdedeklara sa mga healthcare worker bilang mga non-combatant personnel.

Aniya ang paggiit sa karapatan at proteksyon ng mga healthcare workers, mga ospital at mga pasyente sa ganitong panahon ay susi para mabawasan ang panganib sa mga sibilyan.

TAGS: doh, Marawi City, Martial Law, Mindanao, ubial, doh, Marawi City, Martial Law, Mindanao, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.