Hinimok ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers ang government forces na ibigay ang hinihiling na giyera ng mga terorista.
Ito ay matapos ideklara ng pangulo ang martial law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Sinabi ni Barbers na wala ng dahilan upang hindi makipag giyera sa Maute Group dahil sa ginawa ng mga itong pag-atake.
Hindi anya dapat hayaan na madagdagan pa ang mamatay at dumami pa ang mapinsala dahil sa mga pananakot at pag-atake ng mga teroristang grupo sa bansa.
Ayon kay Barbers, dapat maging proactive ang mga otoridad at huwag hayaang lumawak pa ang grupo at lumaki pa ang pinsala sanhi ng kanilang mga pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.